Now Playing Tracks

Dahil sa bagyo at brownout gumawa ako ng ilaw para makatipid since mahal ang kandila at mabilis pa maubos. What you need: asin, mantika (kahit used oil or baby oil) maliit na baso, toothpick or palito ng posporo, bulak. Lagyan ng asin ung baso then lagyan ng oil na almost full. Yung dulo ng posporo or toothpick lagyan ng bulak, basain ng kaunti ung bulak ng oil, itusok sa gitna then sindihan. May ilaw ka na! Hehehe! Safe pa ito kesa kandila kasi kahit makatulugan mo, mamatay siya ng kusa kapag naubos na ang oil sa baso. 👍😉

To Tumblr, Love Pixel Union